Thursday, June 12, 2008

saNa uMabot pA..

malapit na naman ang pader's day..nasanay na ako na tuwing dadating ang araw na ýon..maghahanda kmi ng special something para kay papa..khit nga gusot-gusot ng papel ay nagagawan pa ng paraan para ma-make over at maging espesyal na sulat para kay papa..

nakakalungkot nga lang dahil halos dalawang taon na akong hindi nakakagawa non para sa kanya..wala na kase sýa..
pero bago siya mawala, nagkaroon ako ng pagkakataon na makagawa ng sulat para sa kanya..kaya lang hindi sa gusot-gusot na papel ko 'yon naisulat...sa diary ko nailagay wala naman kase akong balak na ipabasa pa iyon sa kanya, masyado kaseng madrama,tsaka masyado pang malayo ang pader's day dahil november pa lng naman..
eto yon..

Papa,
mahal na mahal ka po namin..a thank you is not enough to tell you how thankfull and proud we are as your daughters..
napakadami na po natin napagdaanan..
kaya natin 'to,basta sama-sama lang tayo..
pramis,,hinding-hindi ka po namin iiwan..
balewala po ang DVD,VCD o plasma TV..kahit ang isang malaking bahay sa gitna ng isang exclusive village..kung wala ka naman po sa tabi namin..
papa,
wag nýo po panghinayangan ang mga bagay na wala na..
ang mahalaga..
sama-sama pa rin tayong kumakain ng pandesal sa umaga..
masaya pa rin tayong nagpapaalaman sa tuwing hinahatid mo kami sa sakayan..
tabi-tabi pa rin tayong nanunuod sa di-pukpok na TV..sabay-sabay na tatawa..kakanta..o iiyak sa bagong episode ng MMK..
natutulog at nagigising ng sama-sama..
papa..
hindi ang ulam na nakahain,
hindi kung gaano kahaba ang resibo ng pinamili sa SM
o ang uri ng bahay meron tayo..
ang dahilan kung bakit kami matapang at nakangiti naming hinaharap ang bawat, umaga..
kundi ang isiping may tatay kami na matiyagang naghahatid sa sakayan tuwing umaga.. nag-uuwi ng pritong leeg ng manok at pandesal mula sa kanto tuwing gabi..tatay na handang magtiis ng gutom may maitabi lang para sa baon at pambili ng dalawang kilong bigas..
isang tatay na handang unawain ang kahinaan ng kanyang anak..ang tatay na handang ibaba ang sarili sa level nila bentong para mapagbigyan lang ang kakulitan ng kanyang mga anak..ang tatay na alumpihit sa pagtulog kapag may sakit o ginabi ng uwi ang kanyang anak..ang tatay na walang takot na hinaharap ang mga pagsubokng buhay..
..isang tatay na tulad mo..
papa, mahal po kita!
ito ang eksaktong sulat ko para sa kanya na dahil sa hindi na nga umaabot..
minabuti ko lang basahin nung libing nýa..kasabay ng pagdaloy ng emosyon ng bawat nakipaglibing..malamang nakarelate rin sila..
para sa mga tatay..papa..daddy..dada..o PAPASKY!!
hapi pader''s day po!!

Wednesday, June 11, 2008

kawawang bata..

..super aliw na aliw ako sa kakapanuod ng wowowee khapon ng biglang ng-commercial
hindi ko naman talaga papansinin sana at ililipat na lng sa ibang channel ng biglang my soft background music na nag-play..at ipinakita ang mukha ng naluluha..malungkot at kaawa-awang inang...BABOy..
opo,baboy po siya..
isang abang na baboy na mawawalay sa kanyang mga pinakamamahal na biik..
mga biik na dahil sa bagong feeds na pinopromote ng commercial na yon ay hindi na maninibago ang tyan..hindi na magtatae
..hindi na magkakasakit
..hindi na malulungkot..
naisip ko tuloy..buti pa ang baboy nalulungkot kapag nawawalay sa mga biik nya..ang mga pusang napapaos sa kaka-miyaw..nagbabaka sakaling marinig siya ng mga iniligaw na kuting..o ng mga asong nag-aala lobo sa kakahanap sa mga tuta nya..

khit sbi ng teacher ko sa socio.. na language is exclusively for man..
napaisip pa rin ako na kung nakakapagsalita man ang mga hayop..panigurado magwewelga sila para itaas ang sahod nila..o para damihan ang pagkain..at lalo na..huwag ilayo sa kanila ang kanilang mga pinakamamahal na anak..

sa mga news na napapanuod at nababasa ko..karaniwan na ang mga batang iniwan sa basurahan..na mas pinasosyal pa ng mga telenovela ngaun..mga bidang iniwan sa labas ng simbahan..ipinagbili..ipinaampon..tapos biglang sisingit ang saying na "mothers know best"

..hindi naman sa bitter ang kapalaran ng aking pamilya..at naging masaklap ang bonding namin ni mama..huhu,

malungkot lang kase..na ordinaryong araw lang ang bawat mother's day na lumilipas...na matagal-tagal ko na ring hindi nabibigkas ang salitang "mama"..na hindi ako makarelate sa mga movie na "Anak".."Caregiver"..o sa mga episodes ng MMk..

nakakalungkot na sa tagal ng pagkakawalay namin...
hindi ko man lang m-feel na gusto pa nya kaming makasama..
na miss nya rin kme..
na hindi rin sya maka-relate sa mga episodes ng MMK..

hay..kung ang baboy nga..naluluha..si mama kaya??!!

Saturday, June 7, 2008

introduction ng kwento ko..

hayyyy..eto n nman ako..
atat n magkukwento ng mga bagay-bagay sa utak ko..
masaya akong nssbi ang mga nsa isip ko..sbihin nyo ng KSP ako..pero trip ko kayong i-update sa mga issue ng aking mdramang buhay..

nakss.prang MMk lng,,

hehe,,
hindi naman tlga 'to seryoso eh..trip ko lng gawing makapagbagbag damdamin pra may drama factor..hehe

..masaya akong nasasabi ang mhga nsa isip ko,,khit nga madalas p nilang sbhin n wala daw yong sense..pero khit na..gusto ko p din..hehe..
nkka-high kase ang feeling..
pra kang nsa tuktok ng mga building at billboard sa EDsa..malayang naisisigaw ang mga damdaming nagkukubli sa mga tikom kong mga labi..malaya kong naibubulas anuman ang nais ko..MALAYA..walang pakialam sa mga taong bali na ang leeg sa kktingala sa akin sa tuktok ng billboard..walang pakialam kung ano ang itsura ko sa mga tabloid kinabukasan..walang pakialam kung baliw man ang tingin sa akin ng mga tao..

kelangan ko kahse ng kausap..pero mukhang walang gustong pumatol sa aking mga sentimyento..mga issue ko sa buhay..mga k-dramahan n oo nga walang kwenta..pero lubos n ngpaparusa s aking kalooban..sa aking pagkatao..

..oo,ang mga walang saysay na kwentong ýon ang nangungulit at nanghaharot s utak ko..

haha..since pirs taym ko naman,,hayaan nyo muna kong ipakilala ang aking sarili..
neym ko..bgay ng makulit kong ate,,galing sa paborito nyang commercial sa t.v nuon..
ung may kantang..”jennifer,jennifer,,nsan k..nsan k..??”

mas type ko n rin un kesa namaN ipangalan ako dun sa kambing na ksama sa commercial..hehe,,
..at dhil sa ;pangalang un..umaapaw sa manika “jennifer” ang cabinet namen sa bhay..

>sya po ung manika na nka-apron..nka-trintas ang buhok at nka-cap pa..cute naman syang tingnan..kea nga lng kung i-rarate mu ngaun ang get-up nya..mas lamang ang pgkamukha nyang katulong..hehe,,pis!! gnun kc lge kong nkikitang costume ng mga yaya ni princess sarah,,pti nla ceddy..o kaya cna peter pan??!! meron nga bang yaya dun?!!

pero actually,,hndi dw tlaga un ang pangalang ibibigay nila sa akin..

akalain mu nga naman na muntik pang mgka-riot dito sa mbahay dhil lng sa pangalang ko..hay namaaaann..ibang level tlga ang byutim ko..wahaha..

>sb kc ni tita..ang tita kong seexxxxyy..(hayy,,sana mbasa nya to..pra may dagdag baon..hehe..) junefer daw ang iminungkahi nyang neym ko..dhil nga june ako ipinanganak…
mega agree naman ang mudra koo..eun eh,,may kkampi pla,,

>unfortyunately..dehins umagree ang aking papasky..JINKY dw dpat neym ko..oha.oha..kmusta naman un..

>mhega suggest dn namn ang aking mga lola.,,kptbahays..ninongssss..ninangssssssss..frennnddsss..

buti na lng hindi nakisabat ang aso ng kpitbhay namen..

kaya bgo mgkrambulan ang lhat..umaawat ang aking makulit na ate..at nagbantang maglalayas kung hindi ako ipapangalan sa manikang nasa tv..

kaya heto..ako na nga si jennifer..!!!